Internet sa Pinas, bow! - Himantayon

Latest

Sidebar Ads

BANNER 728X90

Monday, April 21, 2014

Internet sa Pinas, bow!


Internet Service Provider Asia


Ang Internet sa Pinas ay napakabagal,
Pero bayad mo naman ay napakamahal.
Habang sa ibang bansa'y Internet Speed ay nagtataasan,
Pero napakamura ang iyong  babayaran.

Saan na ang hustisya dito sa Pilipinas?
Ano ba ang ginagawa ng mga ISP ng mahal kong Pinas?
Baka naman mga mamamayan ay inyong ginagatasan,
sa Internet service fee nyong nagtataasan.

Meron pa kayong bandwidth limit na nalalaman,
Akala ko ba Unlimited kinuha kong plan.
Bakit pagkatapos ng ilang video streaming at Download,
Internet speed ko'y parang dial-up at ako'y parang nalulunod!

Pag ako'y may complain about my Internet,
Solosyon sa problema ko'y hirap makamit.
Pero pag ako'y madi-delay lang ng bayad,
Kayo'y makapag text at tawag at halos di tumatanggap ng tawad.

Sana naman sooner or later, Subscribers nyo ay inyong alagaan,
Internet speed service ninyo ay inyong tataasan.
Service fee ay sana huwag nyo lang dadagdagan
Kasi naman, parang ginagatasan nyo lang ang mamamayan.

Sa milyon2x ninyong subscribers, di pa ba kayo yumayaman?
Sa tingin ko milyon2x ang kita nyo araw2x at buwan2x.
Siguro naman, sa latest technology meron na kayong pambayad
Upgrade nyo kaya yung technology nyo, at nang lahat ay umunlad.

Hindi yung sinasabi, "We are upgrading to the new technology."
Pagkatapos, mga subscribers nga-nga naman palagi.
dahil sa upgrade na inyong sinasabi,
Kami'y walang nararamdamang upgrade sa aming ISP.

Mga Network at Internet Service provider, tama na ang pagpapayaman,
Time to make a change at bigyan ng tunay na serbisyo mga mamamayan.
Alam na namin Internet Service Fee sa Asia ay di na kamahalan,
3Mbps Speed  ay napakabagal, yan ay di nyo maitatago, magpakailan man.

Sabi nga sa kanta, "let it go, let it go..."
Let it go at high speed internet ay pakawalan nyo na.
Let it go... let it goooo...
At ng kami naman ay sumaya na!




No comments:

Post a Comment